thediaryofayoungman:

The next time I fall in love, I would like to fall in love to someone who would make me feel that falling in love is the best decision I ever did.

thediaryofayoungman:

The next time I fall in love, I would like to fall in love to someone who would make me feel that falling in love is the best decision I ever did.


Tanginang buhay ‘to.

Bakit? Bakit ako lagi yung mali? Bakit lahat sa’kin sinisi?



Salamat dun sa mga taong nagawa pa ring iclick ang “Follow” button noong napadpad sa “blog” ko. Alam kong hiatus ako for a month na,pero ittry ko nang maging active ulit. Just got busy. 

P.S.,

Sana po kinakausap niyo ‘ko para masaya. Hahaha.


D: Lalakas pa yang ulan mamaya!
E: Nyeh. Bakit gusto mo lumakas yan? :))
D: Para walang pasok bukas
E: Sana. Para makapagpahinga ka.
D: Kaya nga eh. Wew.
E: Tapos punta ko sa inyo. Haha
D: Sige. Dalhan mo ko white flowers. Hahahaha.
E: Ay. Bakit white?
D: Ang calm lang kasi tignan. Tsaka simple :D
E: Yun pala gusto mo. Haha,sige dalhan kita.
D: Yeah. Tapos may kahalong violet. Arte ko no. :))
E: Basta ikaw. Mahal kita eh. :)

Sarap ma-in love.

Totoo naman eh diba? Kahit alam mong lahat ng bagay ay may katapusan, meron pa ring parte ng puso mo ang masaya dahil sa buhay mo, may dumating na isang taong alam mong minamahal ka. 


Panghuhusga,’di maganda.

Bawat tao ay may kani-kaniyang pagkakakilanlan. Kani-kaniyang katauhan. Kani-kaniyang kwento ng buhay. At kailanman hindi natin iyon malalaman kung ang ating titignan ay ang panlabas na anyo lamang.

Likas sa ating mga tao ang husgahan ang kapwa natin sa kung ano ang nakikita natin sa panlabas nilang anyo. Hindi natin iyon maiiwasan dahil minsa’y nagkakaroon tayo ng hinuha sa kung ano talaga sila. Ngunit kadalasa’y mali tayo sa ating mga inaakala tungkol sa kanilang mga pagkatao.

May mga pagkakataong ang opinyon natin sa katauhan ng ibang tao’y nagiging makabuluhan kung ito’y nakatutulong upang paunlarin nila ang kanilang mga sarili. Ngunit nariyan pa rin ang mga pagkakataong nakasasakit tayo ng damdamin ng iba dahil sa mga salitang ibinabato natin sa kanila. Dapat ganito, dapat ganyan.  Walang masama sa pagbibigay ng ating mga opinyon, hangga’t alam natin ang ating mga limitasyon.

Bago natin husgahan ang ibang tao, matuto muna tayong kilalanin ang mga sarili natin. Dahil sa ating mga ikinikilos nasasalamin kung anong uri tayo ng tao. Lahat tayo’y may mga kapintasan at karumihan, kaya walang sinuman ang makapagsasabi na siya’y perpekto.  At higit sa lahat ay wala sa atin ang karapatang maglagay ng tatak o etiketa sa kapwa natin.

Babae o lalaki, matanda o bata, mahirap o mayaman. Lahat tayo’y nilikha ng nag-iisang Diyos na Siyang tanging nakaaalam ng tunay nating pagkatao at Siyang tanging may karapatan upang tayo’y husgahan dahil sa Kanya, tayo ay pantay-pantay ‘pagkat  sa atin ay Siya ang nagbigay ng buhay.  


Di ako nakanood ng laban ni Pacquiao.

K lang. Basta panalo. Hahahaha. 


Takot siya sa injection.


Hindi kailanman.

Dahil ba teenager ka, hindi mo pa alam ang ibig sabihin ng “pagmamahal”? Sabi kasi nila,masyado pa tayong bata para sa mga ganung bagay. Bakit kaya? Pag ba matanda ka na,alam mo na lahat?

Hindi. Kasi lahat tayo natututo sa mga karanasan natin sa buhay. Hindi dahil bata ka, hindi ka pa pwedeng magmahal. Alam mo sa sarili mo na hindi lang basta paghanga yung nararamdaman mo eh,di ba? Kung kaya mo namang panindigan yung pagmamahal mo,eh di ituloy mo. Walang masama dun.

Kahit kailan hindi naging mali ang magmahal.



Minsan kasi mas masarap magbasa kesa magsulat. :)


: Unread Birthday Greetings —›

bottledtime:

The title sounds kinda really sad…but then again, the thought of a birthday greeting a celebrator will never get to read isnt that bad :) Knowing that the person the greetings are for won’t ever read them gives you that courage to say anything you want to…after all, no one’s gonna read it :P so…

^THIS! Thanks Maryel!


camzeeeeyy:

Hi Eshpren! Hehehehe.

Gusto ko ako yung last na babati sayo sa mismong araw ng kaarawan mo. Pa-special ako eh. De joke, the last is special daw eh. Haha. Baka hindi mo na to mabasa sa eksaktong 11:59 pero promise, pinost ko to ng saktong 11:59 sa orasan namin.

Naalala ko talaga nung first year, nung una kitang nakita, akala ko talaga hindi kita makakasundo. Alam mo naman yun diba. Haha. Grabe, akala ko sayo nun, super kikay. Tapos ayun, nagkasundo naman. Naalala ko rin yung mga pinag-aawayan natin nung first year. Sobrang babaw. Natatawa ako kapag naaalala ko na yung dahilan nung pinakamatagal nating away ay yung featured friend thingy sa friendster. =)) 

15 ka na din, teh. Thank you sa lahat! As in sa lahat. Lagi kang nandyan kapag kailangan kita. Hindi ka nagsasawang pakinggan yung mga kwento ko (Hindi nga ba? Joke HAHAHA). Naalala ko dati nagpost ka din dito sa Tumblr na namimiss mo na yung kaibigan mo kasi di mo na siya feel as your best friend eklavooo. Tapos tinanong ko kung sino, ako pala yun. O__O Sorry! 

Happy Birthday, Eshpren! >:D< Hindi mo alam kung gaano ako ka-thankful na naging kaibigan kita >:DDDDDD< Ako lang ah, wala ng iba? Hahaha loljk. Labyuuuuu! >:D< You know I love you more than anything else in this world exists (naaalala ko pa yang kwento mo yan). :* >:D<

P.S. Favorite ko talaga yung pose mo dyan sa picture na solo ka dito sa post na ‘to. Alam naaa :>

HUTENGENE ANG JEJE KO DITO! HAHAHAHAHAHAHA! THANK YOU ESHPREEEEEENNN! LOVE YOU TODAY AND FOREVER! >:D< :*


[Flash 9 is required to listen to audio.] 11 plays

Mygasss,thank you Jazmin! Love you talaga :* >:D<

(Source: thyverge)